Cargo Ship Tumaob sa Surigao, 23 ang Narescue

Nireport ng Philippine Coast Guard na tumaob ang LCT Pacifica 1 habang binabaybay ang katubigan sa gitna ng Hinatuan Island at Bucas Granda Island matapos hampasin ng alon na higit sa tatlong metro ang taas.
Pinasok umano ng tubig ang engine room ng nasabing barko na nagdulot ng problema sa makina at pagmamaneho kaya tuluyan itong tumaob pasado alas-otso trenta ng umaga.
Ayon sa kapitan ng barko na si Robert Espino, galing raw sila sa Cabadbaran Port sa Agusan del Norte patungo sa Dapa Port sa Surigao nang mangyari ang insidente. Mabuti na lamang raw ay nakita sila ng isang pang shipping vessel na nag-resuce sa kanila.
Rumesponde rin naman kaagad ang PCG upang i-assess kung nagkaroon ng pagtagas dahil sa nasabing insidente.
Nasa ligtas na kalagayan ngayon ang kapitan at ang kaniyang crew.