Mga Pinoy, Lalaban sa International Surfing Competition!

“Magagaling kaya dapat isabak sa international surfing!”
Maraming magagaling na Filipino surfers and qualified sana ngunit hindi makasali sa mga international surfing competitions dahil sa problemang pinansyal. Ito ang kadalasang nagiging hadlang sa mga Pinoy surfers.
Ngunit ngayong taon, sigurado nang magkakaroon ng kinatawan ang Pilipinas, sa 26th Siargao International Surfing Cup na nakatakdang idaos sa Oktubre 15.

Personal na sinagot ni Surigao Del Norte 1st District Representative Bingo Matugas ang registration fee ng 16 Pinoy surfers na nag-qualify sa naturang event.

Makakatunggali ng mga Pinoy surfers ang mga kinatawan mula sa Indonesia, Japan at South Korea.
Nasa pagitan ng P16,000 hanggang P17,000 ang registration fee ng bawat kalahok, batay sa umiiral na patakaran ng World Surfing League (WSL).
“Nabuhayan kami ng loob dahil sa pagsponsor sa amin ni Cong. Bingo,” inspiradong banggit ng 18 taong gulang na si Noah Arkfeld.
Si Noah ay ang kasalukuyang champion ng surfing sa Pilipinas na nagumpisa noong siya ay apat na taong gulang pa lamang.
Ayon naman sa isa pang champion na si Arfeld, ang Siargao ang “pinakada-best na surfing destination sa Pilipinas”.
“Nakarating at nakapaglaro na rin ako sa ibang surfing destinations dito pero wala talaga tatalo sa Siargao, dito pinakamaganda ang alon,” banggit ng kasalukuyang surfing champion.

Sa panig naman ni Cong. Bingo, sinabi nitong hindi dapat na mawalan ng kinatawan ang sa kumpetisyon ang bansang host kaya gumawa siya ng paraan upang masiguradong makalahok ang mga local qualifiers.
“Tayo po ang host, pangalawa magagaling etong mga bata at talagang may potensiyal na manalo kaya talagang nakakapanghinayang kung hindi sila makakalahok,” paliwanag ng mambabatas.
“Iwasan na po natin ang pulitika dahil wala namang magandang dulot yan at ang mga atleta pa ang malalagay sa alanganin,” banggit pa ni Cong. Bingo.