Socorro Bayanihan Services, In-expose sa Senado

Sa isang privilege speech sa senado, in-expose ni Sen. Risa Hontiveros sa Senado ang pang-aabuso sa higit isang libong mga bata ng Socorro Bayanihan Services, na isa umanong kulto.
Ini-report na isang Jay Rence umano o mas kilala sa tawag na Senior Agila ang lider ng nasabing grupo at salarin sa iba’t ibang kaso ng rape, sexual assault, at child abuse.

Matatandaang noon pang 2019 nabahala ang probinsiya sa Socorro Bayanihan Services sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte kaya pinaimbestigahan agad ni dating Governor Francisco Matugas ang video na kumalat na nagkakaroon ng military training exercise sa Kapihan View Park ang nasabing grupo.
Ngunit ayon sa interview kay Ralnda Diane Dela Peña, kinatawan ng organisasyon, hindi raw sila kulto at suportado sila ng kapitolyo sa ilalim ni Gov. Lyndon Barbers.
